Wednesday

Mag-Isa..

Nakakapanibago, parang lahat ay nag-iba.. Dati sa paggising ko sa umaga dun sa hapag kainan ay maraming fried eggs, may fried rice o kaya ay sliced bread at sinasamahan pa ng sausages para sa aming lima. Ayan ang unang araw kong mag-almusal mag-isa.
Nasanay akong laging may kasama at minsan na rin kaming nagkalayo ngunit pakalipas ng pitong buwan ay muling kaming nagkasama at dito pa sa Gitnang Silangan. Ngunit may biglang pagbabago, sa paglipas ng pitong taon ay muli kaming nagkalayo dahil sa maraming kadahilanan.

Sa kasalukuyan, ito ay isang hamon sakin na makipagsapalaran sa ibang bansa na mag-isa at naniniwala ako na sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ng isang tao ay may kadahilanan.

At sa tulong at sa biyaya ng ating Manlilikha ay makakayanang lagpasan ang lahat ng pagsubok sa buhay.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...